Tamang Tawiran
Athalia Jamyl Aquino (12-sionil) Teknikal-Bokasyunal Ang simbolong ito ay nagpapahiwatig na dapat tayong tumawid sa tamang tawiran. Sa panahon ngayon napakaraming nangyayaring disgrasya lalo na sa daan dahil maraming drayber ang pabaya sa pagmamaneho o kaya naman ay mabilis magpatakbo dahil nagmamadaling makarating sa kani-kanilang destinasyon. Kapag tayo ay tatawid, ugaliin nating tumawid sa tamang tawiran o mas kilala sa tawag na 'pedestrian lane'. Tumingin muna sa kaliwa't kanan at siguraduhing walang sasakyang paparating bago tumawid. Huwag tatawid sa hindi wastong tawiran dahil hindi natin alam kung kailan mangyayari ang nagbabadyang disgrasya kaya upang maiwasan natin ito ating sundin ang batas upang tayo ay makarating ng ligtas sa ating pupuntahan.